Ano ang Malarya?
– Ito ay isang sakit na dulot ng parasito ng malarya na tinatawag na Plasmodium
– Nalilipat ito sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Anopheles na may dalang parasito
– Ang Falciparum and pinakamapanganib na uri ng malarya sa pilipinas.
Malaria Free Provinces
- Marinduque – 2008
- Romblon – 2012
- Oriental Mindoro – Zero Case Since 2012
SINTOMAS NG MALUBHANG MALARYA
- Pagkawala ng malay o convulsion
- pagbabago ng ikinikilos
- Nahihirapan sa paghinga
- Madalas na pagsusuka at pagkahilo
- Paninilaw (jaundice)
- Kulay kapeng ihi
- Pamumutla (anemia)
Uri ng Parasito ng Malaria
Ang Plasmodium ay maliit na parasito na namamalagi sa loob ng pulang dugo (Red Blood Cell).
Plasmodium Falciparum
- 70% ng kaso ng malarya sa Pilipinas
- Nagdudulot ng malubhang sakit o kamatayan kung hindi maagapan ng tamang gamutan
Plasmodium vivax
- 30% ng kaso ng malarya
- Bihirang maging sanhi ng malubhang sakit
- Nagdudulot ng Relapse kung hindi sapat ang gamutan
Plasmodium malariae
- Mababa sa 1% ng kaso ng malarya
- Maaaring tumagal ang Infection ng 50 taon kung hindi magagamot
Plasmodium Ovale
- Matatagpuan sa mga bansa sa Africa
- Nagdudulot ng Relapse kung hindi sapat ang gamutan.