Mga mommy at daddy, malaki ang banta ngayon ng pagkalat ng rubella, polio at tigdas. Delikado ang mga sakit na ito, lalo na sa mga batang wala pang limang taong gulang.
Siguruhing si chikiting ay ligtas sa dagdag bakuna kontra rubella, polio, at tigdas! Magkakaroon ng kampanya para sa dagdag-bakuna simula ngayong ika-26 ng Oktubre! Para ito sa mga batang wala pang limang taong gulang. Abangan ang anunsyo ng inyong mga health worker.
Sa #BakuNATION, lahat ng chikiting may proteksyon. Pabakunahan na ang inyong mga anak para sa isang #HealthyPilipinas! 

