Nais ipagbigay alam ng Department of Health – Center for Health Development MIMAROPA (CHD MIMAROPA) na ang lahat ay pinapayuhan na magsuot ng face shield sa tuwing lalabas ng bahay at kung sasakay sa pampublikong transportasyon bilang karagdagan proteksyon laban sa virus.
Base sa pag-aaral, nababawasan ng 85% ang tyansang mahawa sa tuwing nagsusuot ng mask. Samantalang 78% naman ang nababawas kapag gumagamit ng face shield. Ayon sa Department Memorandum No. 0345, ang DOH ay nagrekomenda ng tamang face shield na maaring gamitin ng komunidad sa kanilang transportasyon at sa mga matataong lugar o kung saan malaki ang posibilidad na hindi makakaiwas sa mga tao. Sa pagsusuot ng tamang face shield, maiiwasang makakuha ng respiratory droplets mula sa ibang tao na makakasalamuha.
Gaya ng face mask, nais naming bigyang diin na ang face shield ay personal na gamit at hindi dapat ito ipinahihiram sa iba upang maiwasang makahawa sakaling ikaw ay may virus. Sa pagiging maingat, hindi niyo lamang pinoprotektahan ang inyong mga sarili at ang inyong pamilya kung hindi maging ang inyong buong komunidad.
Lahat tayo ay may papel na ginagampanan sa labang ito, sa ating pagtutulungan, together, we can BIDA Solusyon sa COVID-19.
 
Image may contain: 2 people, text